Sinabi kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, inulit ng panig Tsino ang matatag na pangako sa layunin at prinsipyo ng "UN Charter."
Idinaos nang araw ring iyon ng Pangkalahatang Aemblea ng UN ang Pulong hinggil sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakabisa ng "UN Charter." Pinagtibay din sa pulong ang Deklarasyon ng Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng UN.
Sinabi sa plong ni Liu na noong ika-24 ng Oktubre 1945, nagkabisa ang "UN Charter" na sumagisag ng pormal na pagkakatatag ng UN. Aniya, ang Tsina ay unang bansang lumagda sa karteng ito. Nakahanda ang Tsina na kasama ng mga kasaping bansa ng UN, patuloy na igiit ang layunin at prinsipyo ng "UN Charter," at mataimtim na isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narating sa panahon ng serye ng summit ng UN.
Salin: Li Feng