Bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng paglalagda ng Charter of the United Nations (UN), nagdaos kahapon ng mga selebrasyon ang UN sa New York, Punong Himpilan nito, at San Francisco, lugar kung saan itinatag ang UN noong 1945.
Lumahok si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa selebrasyon sa San Francisco. Sinabi niyang noong 70 taong nakaraan, sa pamamagitan ng paglalagda ng UN Charter, nakita ang landas sa pagbangon ng daigdig pagkatapos ng digmaan. Dagdag niya, ang UN Charter ay isang panggabay sa mga tao na magkakasamang patuloy na magsikap para sa magandang kinabukasan.
Sa selebrasyon naman sa New York, sinabi ni Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Jan Eliasson ng UN, na sa katotohanan, ang UN Charter ay pagpapahayag ng pag-asa. Ito aniya ay nagpapakita ng komong pangarap at hangarin ng mahigit 7 bilyong tao ng buong daigdig.
Salin: Liu Kai