|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakailan ng PT Kereta Api (Indonesian Railways Co.) ang pagpapadala ng mga empleyado sa Tsina para pag-aralan ang hinggil sa teknolohiya ng high-speed rail.
Noong ika-16 ng Oktubre, nilagdaan ng Chinese consortium na pinamumunuan ng China Railway Corp. at Indonesian consortium na binubuo ng apat na bahay-kalakal na ari ng estado, ang joint-venture agreement para magkasamang ilatag ang high-speed rail sa pagitan ng Jakarta, kabisera ng Indonesia at Bandung, punong lunsod ng lalawigang West Java ng bansa.
Ang panig ng Indonesia ay magmamay-ari ng 60% ng stake ng nasabing magkasanib na kompanya.
Napag-alamang idaros sa pagpasok ng Nobyembre, 2015 ang seremonya ng paglalagay ng pundasyon ng Jakarta-Bandung high-speed rail. Sisimulan itong ilatag sa 2016.
Ang gagawing 150 kilometrong daambakal na maaaring humawak ng pinakamataas na bilis na 300 kilometro bawat oras ay nakatakdang isaoperasyon sa 2019.
Kapag nailatag, magiging 40 minuto lamang ang biyahe sa pagitan ng Jakarta at Bandung; sa kasalukuyan, mahigit tatlong oras ang biyahe.
Ayon kay Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesia, ang Jakarta-Bandung high-speed rail ay inaasahang magiging unang ganitong riles sa Indonesia, at ito ring pinakamalaking proyektong Tsino sa ibayong dagat na ganap na gagamit ng teknolohiya mula sa Tsina.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |