Kaugnay ng proyekto ng high speed railway ng Indonesia, sinabi ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na kumpara sa plano ng Hapon, mas kompetetibo ang proposal ng Tsina.
Ipinagdiinan niyang kung ihahambing sa plano ng Hapon, ang proposal ng Tsina ay magiging mas mababa ang halaga o cost-efficient, at mas mabilis na matatapos ang konstruksyon. Bukod dito, nangangako rin ang Tsina na sasanayin ang mga tauhang lokal at ililipat ang mga kakailanganing teknolohiya sa Indonesia.
Lumahok ang Tsina at Hapon sa bidding para sa 120 kilometrong high speed rail na mag-uugnay sa Jakarta at Bandung, dalawang siyudad sa Java. Ipapatalastas ng Indonesia ang mananalo sa loob ng buwang ito.
Salin: Jade