|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Pyongyang, H.Korea ang pagtitipon para gunitain ang ika-65 anibersaryo ng pagsapi ng Chinese People's Volunteers sa Korean War(1950-1953).
Bilang bahagi ng pagtitipon, inihanda ng dalawang panig sa Kaesong ang isang seremonya para bigyang-pugay ang pagtatapos sa pagkumpuni sa libingan ng mga sundalo ng PLA na nag-alay ng buhay.
Dumalo sa seremonya ang mga opisyal na kinabibilangan nina Li Liguo, Ministro ng Suliraning Sibil ng Tsina at kanyang counterpart ng H.Korea na si Kang Ha-guk, at Charge d'affaires ng Tsina sa H.Korea na si Zhang Chenggang.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Kang Ha-guk, na ang pagsasagawa sa gawaing ito ay hindi lamang para gunitain ang dakilang ambag ng mga boluntaryong Tsino, kundi para ipagpatuloy din ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at H.Korea sa hene-henerasyon.
Ipinahayag niya ang pag-asang mapapalalim pa ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at H.Korea, batay sa kanilang magkakasamang pagsisikap.
Ipinahayag naman ni Li Liguo ang pakikiramay sa mga nag-aalay ng buhay. Kinumusta rin niya ang mga pamilya ng mga beteranong Tsino sa nasabing digmaan.
Idinaos ng dalawang panig ang inagurasyon sa nasabing libingan at nag-alay ng bulaklak sa mga martyr.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |