Si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina
Kaugnay ng ulat hinggil sa paglalayag ng mga bapor pandigma ng tropang Amerikano sa rehiyong pandagat sa loob ng 12 nautical miles sa paligid ng mga isla ng Tsina sa South China Sea, sinabi ngayong araw ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na kinukumpirma ngayon ng panig Tsino ang hinggil sa pangyayaring ito.
Dagdag pa ni Wang, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na ibayong maging maingat sa isyung ito, at huwag sadyaing gumawa ng mga probokatibong aksyon.
Salin: Liu Kai