Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang lubos na kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol sa paglalayag nang araw ring iyon ng bapor pandigma "USS Lassen" ng Amerika sa loob ng 12 nautical miles sa paligid ng Zhubi Reef ng Nansha Island ng Tsina sa South China Sea.
Sinabi ni Lu na ilegal na pumasok sa naturang rehiyong pandagat ang bapor pandigma ng Amerika, nang walang pahintulot ng pamahalaang Tsino. Ito aniya ay nagbabanta sa soberanya at interes sa seguridad ng Tsina, nagsasapanganib sa kaligtasan ng mga tauhan at pasilidad sa naturang reef, at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Dagdag pa ni Lu, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang iwasto ang kamaliang ito.
Salin: Liu Kai