|
||||||||
|
||
Mula ika-24 ng Okture hanggang ika-7 ng Nobyembre ng taong 2015, idinaraos sa Beijing at Shenzhen ng Huawei Technologies ang proyektong "Philippines Seeds for the Future".
Lumahok sa naturang proyekto ang sampung Pilipinong estudyante mula sa Ateneo de Manila University at Mapua Institute of Technology.
Sa seremonya ng pagbubukas, hinangaan ni Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas ang naturang proyekto ng Huawei. Umaasa aniya siyang mararamdaman ng estudyanteng Pilipino ang atmospera at istandard ng isang world class company at buong sikap na matutunan ang mga sulong na teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon para ipakita ang pag-usbong ng nakatagong lakas ng mga talentong Pilipino sa larangang ito.
Bukod dito, sinabi ni Embahador Basilio na dapat samantalahin ng mga estudyanteng Pilipino ang pagkakataong ito para malaman ang mas maraming bagay hinggil sa mahabang kasaysayan at namumukod na sibilisasyon ng Tsina.
Ang naturang prokyeto ay nagtatampok sa mga estudyante ng kolehiyo at ito rin ay nabibilang sa serye ng pandaigdigang proyekto ng Huawei sa pagsasakatuparan ng Corporate Social Responsibility (CSR) sa mga bansa at rehiyon kung saan itinayo ang mga sangay ng Huawei.
Sinabi ni Liu Tao, Puno ng Public Affairs and Communications ng Huawei Technologies Philippines, INC., na umaasa ang kanyang kompanya na gaganap ng sariling bentahe sa teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon para makinabang dito ang mas maraming Pilipino.
Sinabi pa niyang sa susunod na taon, patuloy na idaraos ng Huawei ang ganitong proyekto para hikayatin ang paglahok ng mas maraming Pilipinong estudyante, kolehiyo at ibang sektor ng lipunan.
Sinabi naman ni Cathryn Grace Mapacpac mula sa Ateneo de Manila University na pinasasalamatan ng lahat ng mga estudyanteng Pilipino ang naturang proyekto ng Huawei para malaman ang mas maraming bagay hinggil sa Tsina at sulong na teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon. Aniya pa, babahaginan niya ng mga karanasan sa Tsina ang kaniyang mga kaibigan at kamag-anak sa Pilipinas.
Ayon sa schedule ng naturang proyekto, mula ika-24 hanggang ika-25 ng kasalukuyang buwan, bibisita ang delegasyon ng Pilipinas sa Great Wall, Summer Palace at Forbidden City. Mula ika-26 hanggang ika-29 ng kasalukuwang buwan, mag-aaral sila ng mga saligang kurso hinggil sa kulturang Tsino sa Beijing Language and Culture University. Pagkatapos nito, pupunta sila sa Shenzhen para tanggapin ang mga pagsasanay sa punong himpilan ng Huawei.
Group picture nina Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas (pangalawa mula sa kaliwa, unang linya), Liu Tao, Puno ng Public Affairs and Communications ng Huawei Technologies Philippines, INC. (una mula sa kaliwa, unang linya), ibang mga staff ng Huawei Technologies at mga Pilipinong estudyante mula sa Ateneo de Manila University at Mapua Institute of Technology.
Si Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas.
Si Liu Tao, Puno ng Public Affairs and Communications ng Huawei Technologies Philippines, INC.
Sampung estudyanteng Pilipino mula sa Ateneo de Manila University at Mapua Institute of Technology na lumalahok sa proyektong "Philippines Seeds for the Future" ng Huawei Technologies.
Si Cathryn Grace Mapacpac mula sa Ateneo de Manila University.
Bumibisita si Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas at sampunganteng Pilipino sa sentro ng Huawei sa pananaliksik at pagdedebelop ng mga teknolohya at produkto sa impormasyon at komunikasyon.
Naggamit ang mga estudyanteng Pilipino ng Huawei phone para mag-selfie.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |