Noong ika-26 ng buwang ito, local time, naganap ang napakalaking lindol na may lakas na 7.5 sa richter scale sa Afghanistan at Pakistan, hanggang sa kasalukuyan, ayon sa ulat ng panig opisyal ng dalawang bansa, may 382 katao ang namatay at umabot sa 2394 tao ang nasugatan sa nasabing lindol.
Napag-alamang dumating na sa nilindol na lugar ang mga tropang Pakistani at nakapagbigay ng pagkain at tent sa mga apektadong mamamayang lokal at nagkumpuni ng mga nasirang daan at kaya hindi kailangang ihatid ang mga materyal na panaklolo sa pamamagitan ng helicopter. At ayon kay Pervaiz Rashid, Ministro ng Impormasyon ng Pakistan, ipinalabas na ng pamahalaang Pakistani ang planong panaklolo sa mga nilindol na lugar. Para sa mga pamilyang nawala ang kamag-anakan, makakapagbigay ang pamahalaan ng 600 libong Rupee na subsidy at para sa mga pamilyang gumuho ang bahay, ipagkakaloob ang 200 libong Rupee tulong pinansyal at para sa mga pamilyang nasira ang bahay, 10 libong Rupee.
Pagkaraang maganap ang lindol, bukod ng mga tulong na pinansiyal at pangmateryal, magkakasunod na nagpahayag ng mensahe ng pakikiramay sa panig Pakistani sina Pangulong Xi Jinping, Premiyer Li Keqiang at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina. At magkahiwalay na iniabuloy ng China's Red Cross Society ng 100 libong dolyares na pangkagipitang tulong sa mga Red Cross Society ng nasabing dalawang bansa at ipinasiya na ng pamahalaang Tsino na ipagkakaloob pa ang 10 milyong RMB na tulong na materyal sa Afghanistan at Pakistan.