Naganap kamakailan ang malubhang lindol sa Afghanistan at nagdulot ito ng malaking kasuwalti ng mga mamamayan.
Sa magkahiwalay na okasyon, nagpadala kahapon ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Pangulong Ashraf Ghani Ahmadzai ng Afghanistan at Pangulong Mamnoon Hussain ng Pakistan para ipahayag ang pakikiramay sa mga biktima at kanilang mga pamilya. Sinabi ng Pangulong Tsino na magkatuwang estratehikong partner ang Tsina at Pakistan at tradisyonal na mapagkaibigang magkapitbansa ang Tsina at Afghanistan. Nakahanda aniya ang Tsina na magbibigay, hangga't maari, ng tulong sa dalawang bansa para sa kalamidad na dulot ng lindol. Nananalig aniya siyang makakabalik ang mga mamamayan ng dalawang bansa sa lupang tinubuan, batay sa pamumuno ng kani-kanilang pangulo.