Pagkaraan ng pitong taong pagsubok-yari, makikita na sa kauna-unahang pagkakataon, sa Shanghai ang eroplanong pansibilyang C919 na sarilinang sinubok-yari ng Tsina. Ang eroplanong ito ay niyari ng Tsina ayon sa pinakahuling pamantayang pandaigdig. Ipinahayag ng mga kinauukulang dalubhasang Tsino na ang sarilinang pagsubok-yari sa malaking eroplanong pansibilyan ay magbibigay-lakas sa Tsina sa larangan ng transportasyong pang-abiyasyon.
Bagama't malaki ang katawan ng naturang uri ng eroplano, maraming composite material at bagong aerospace materials ang ginamit sa pagyari nito, napanatili rin sa makatwirang lebel ang pangkalahatang bigat ng C919.
May ganap na karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR) ang Tsina sa C919. Dalawampu't dalawang (22) lalawigan, mahigit 200 bahay-kalakal, 36 na unibersidad, at ilang daang libong tauhan ang nakilahok sa pagsubok-yari ng nasabing eroplano.
Sa kasalukuyan, umabot sa 21 ang bilang ng mga gumagamit ng C919 sa loob at labas ng Tsina, at umabot na sa 517 ang kabuuang bilang ng orders.
Salin: Li Feng