Ayon sa Xinhua News Agency, kaugnay ng "Magkasanib na Pahayag ng mga Pangulo ng Tsina at Pransya hinggil sa Pagbabago ng Klima" na ipinalabas kamakailan, ipinahayag ngayong araw ng isang namamahalang tauhan ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ang pulitikal na komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa isyu ng pagbabago ng klima, ay makakapagbigay ng mahalagang impluwensiya sa pulong sa Paris.
Sinabi niya na may mahalagang katuturan ang naturang pahayag sa tatlong aspekto: una, ipinagdiinan nito ang kahalagahan ng pagbibigay-pansin sa pagbabago ng klima, at ipinahayag ng dalawang bansa na magkasamang magsisikap para harapin ang isyung ito; ikalawa, ipinakita ang isang serye ng komong palagay na narating ng dalawang panig sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa Pulong ng UN hinggil sa Pagbabago ng Klima sa Paris; ikatlo, iniharap ang mga pragmatikong hakbangin ng dalawang bansa para mapalalim ang diyalogo at kooperasyon ng dalawang bansa sa pagharap sa pagbabago ng klima, at magkasamang tulungan ang mga umuunlad na bansa sa usaping ito.
Salin: Li Feng