Nagpahayag ngayong araw ng kalungkutan ang Tsina matapos mabigong maglabas ng magkakasanib na pahayag sa ASEAN Defense Ministers' Meeting (ADMM)-Plus, na ipininid nang araw ring iyon sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon sa Information Office ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, narating na ng Tsina at mga bansang ASEAN ang komong palagay hinggil sa mga nilalaman ng naturang magkakasanib na pahayag. Pero, binalewala ng iilang bansa sa labas ng rehiyong ito ang komong palagay na ito, at gusto nitong ilakip sa pahayag ang mga nilalamang hindi tinalakay sa kasalukuyang pulong.
Anang panig Tsino, ang ganitong aksyon ay lubos na lumalabag sa prinsipyo ng ADMM-Plus, at nakakapinsala sa namumunong posisyon at papel ng ASEAN sa pulong na ito. Nanawagan ito sa naturang iilang bansa na pahalagahan ang magandang atmospera sa pulong, at patingkarin ang positibong papel para rito.
Salin: Liu Kai