Si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina
Pagkatapos ng dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam at Singapore mula ika-5 hanggang ika-7 ng kasalukuyang buwan, inilahad ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mahalagang papel ng pagdalaw ni Xi sa Biyetnam.
Sinabi ni Wang na sa pamamagitan ng pagdalaw ng Pangulong Tsino sa Biyetnam, dapat panatilihin ang tamang direksyong pulitikal sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Bukod dito, binigyang-diin ng Tsina at Biyetnam na dapat ipagpatuloy, at pasulungin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang na sumang-ayon ang dalawang bansa sa ibayo pang pagpapahigpit ng mga kooperasyon sa mga larangan gaya ng industriya, pinansiya, kalakalan, edukasyon, kultura, seguridad, imprastruktura, pamumuhunan at mga isyung panghanggahan.