Ipinahayag kamakailan ng Ministri ng Kalakalan at Industriya ng Singapore na nakatakdang idaos ng Tsina at Singapore ang talastasan hinggil sa upgrading ng kasunduan ng malayang kalakalan, na kinabibilangan ng pagpapadali ng pagsusuri at pag-aaproba ng adwana, pagpapabuti ng trade relief measures, pagkokompleto sa regulasyon ng pinagmulang bansa, pagbabawas sa investment barriers, at iba pa. Anito pa, tatalakayin ng dalawang panig ang hinggil sa pagpapahigpit ng pagtutulungan sa larangan ng serbisyong pambatas at pinansyal.