Sa kanyang talumpati sa seremonyang pagpipinid ng 2015 Future China Global Forum na idinaos kahapon sa Singapore, ipinahayag ni Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore ang pag-asang palalakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina para pabutihin at palawakin ang Bilateral Free Trade Agreement ng dalawang bansa, at gawin ang pangatlong proyektong pampamahalaan sa pagitan ng Tsina at Singapore, kasabay ng kasalukuyang isinasagawang proyektong China-Singaporean Suzhou Industrial Zone at China-Singaporean Tianjin Eco-City.
Kaugnay ng isyu ng konektibidad, ipinahayag ni Lee na ang estratehiyang "Silk Road Economic Belt at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo" na itinataguyod ng Tsina ay makakatulong sa kaunlaran ng Asya.