Sa Quanzhou, lalawigang Fujian ng Tsina — Binuksan kamakalawa ang Ika-14 na Asia Arts Festival. Sa loob ng darating na isang linggo, kasama ng grupong pansining ng Tsina, ipapakita ng 11 bansang Asyano na kinabibilangan ng Timog Korea, Hapon, Mongolia, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand, Biyetnam, Cambodia, Pakistan, at Bangladesh, ang makukulay at iba't-ibang uri ng kulturang pandaigdig. Magpapalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa sibilisasyon, kultura, at sining ng sangkatauhan.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Luo Shugang, Ministro ng Kultura ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap kasama ng iba't-ibang bansang Asyano, para walang humpay na mapalakas ang kanilang pagpapalitang pangkultura at pagpapalagayang di-pampamahalaan.
Salin: Li Feng