Sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas
Sa Manila, Pilipinas — Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon kay Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na nakahanda si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na bumiyahe sa Pilipinas para dumalo sa Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Ito aniya ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng panig Tsino sa proseso ng APEC at pagkatig nito sa Pilipinas sa patataguyod ng naturang pulong.
Ipinahayag naman ng Pangulong Pilipino ang inaasahang dadalo si Xi sa pulong. Aniya, ang gaganaping pulong ay magtatampok sa kooperasyong pangkabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Li Feng