Kaugnay ng pagpapahayag ni Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF), ng pagkatig sa mungkahing ilagay ang RMB, salaping Tsino, sa special drawing rights (SDR) basket, nagpahayag ngayong araw ng pagtanggap ang namamahalang tauhan ng People's Bank of China, bangko sentral ng bansa. Umaasa rin aniya ang Tsina na kakatigan ng mga iba pang panig ang mungkahing ito.
Ipinahayag din ng naturang namamahalang tauhan, na ang nabanggit na pahayag ng IMF ay nagpapakita ng pagkilala sa mga natamong bunga ng Tsina sa pagpapaunlad ng kabuhayan, pagrereporma, at pagbubukas sa labas. Dagdag pa niya, ang paglagay ng RMB sa SDR basket ay makakabuti sa kasalukuyang pandaigdig na sistema ng salapi, at magdudulot ito ng win-win result sa Tsina at daigdig.
Salin: Liu Kai