Inamin kahapon ng Islamic State (IS) ang responsilibidad sa insidente ng pag-atake sa Paris noong gabi ng ika-13 ng buwang ito.
Sa mensahe ng IS sa social media, ipinahayag nito na ang naturang pag-atake ay ganting-dagok sa aksyong militar ng tropang Pranses sa IS.
Ipinahayag din ng IS na kung ipagpapatuloy ng Pransya ang umiiral na patakaran, magsasagawa pa ito ng pag-atake sa bansa.
Pagkaraan ng naturang insidente, sinabi ni Wu Xiaojun, Press Counselor ng Embahadang Tsino, na wala pang naiulat na kasuwalting Tsino sa naturang pag-atake.
Sinabi niyang patuloy at mahigpit na susubaybayan ng Embahada ang insidenteng ito.