Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resulta ng imbestigasyon sa teroristikong pag-atake sa Paris, inilabas: Seguridad sa Pransya, Belgium at Germany, pinahigpit

(GMT+08:00) 2015-11-15 13:52:44       CRI

Ayon sa pinakahuling pahayag na inilabas kahapon ng isang prokurador ng Pransya, 129 katao ang nasawi sa insidente ng teroristikong pag-atake na naganap noong gabi ng Biyernes, ika-13 ng Nobyembre 2015. Samantala, 352 naman ang naitalang nasugatan.

Ipinatalastas ni François Molins, prokurador ng Pranysa na namatay din ang 7 terorista sa naturang pag-atake.

Ayon sa isang saksi, nabanggit ng mga terorista ang Iraq at Syria. Ipinalalagay ni Molins na 3 group ng mga terorista ang may-kagagawan sa naturang mga pag-atake.

Sinabi rin niyang ayon sa panig pulisya ng Pransya, isang 30 taong gulang na Pranses ang nakisangkot sa naturang atake. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng pulisya ang kanyang tatay at kapatid. Hiniling din ng Pransya sa Belgium na magkaloob ng mga tulong hudisyal, aniya pa.

Bukod dito, ipinalalagay ng panig pulisya ng Pransya, pagkatapos ng pag-atake, may posibilidad na ang mga terorista ay pumunta sa Belgium.

Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Charles Michel, Punong Ministro ng Belgium, na isinagawa na ng panig pulisya ng kanyang bansa ang ilang pagtugis sa Brussels at naaresto ang 4 na suspek na may kinalaman sa nabanggit na pag-atake sa Paris.

Hakbangin pagkatapos ng Atake

Pagkatapos ng pag-atake sa Paris, agarang isinagawa ng pamahalaang Pranses ang mga katugong hakbanging panseguridad.

Bukod dito, buong-sikap na ginagamot ang mga sugatan.

Mula ika-15 hanggang ika-17 ng buwang ito, isasagawa ng Pransya ang pambansang pagluluksa at ilalagay sa half-mast ang bandila ng bansa.

Bukod sa Pranysa, isinagawa rin ng Belgium at Alemanya ang mga hakbangin para mapigilan ang teroristikong pag-atake na tulad ng pangyayari sa Paris.

Sa Belgium, pinahigpit ng panig pulisya ang pagsusuri sa hanggahan nila ng Pransya, mga lugar na pampubliko at mga istasyon ng transportasyon at komunikasyon.

Sa Alemanya naman, pinahigpit din ang seguridad sa mga lugar na pampubliko na gaya ng pagpapahigpit ng pagmomonitor sa mga flight at tren sa pagitan nito at Pransya, at pagpapalakas ng mga sandata ng mga tauhang panseguridad.

Caption: Nagsindi ng kandila ang mga Pranses sa Place de la Republique para sa mga nasawi sa pag-atake noong gabi ng ika-13 ng Nobyembre.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>