Ipinahayag kamakailan ng Komisyong Tagapatnubay sa Reporma at Pag-unlad ng Bahay-kalakal ng Biyetnam na sapul nang pumasok sa taong ito, isinagawa ng 175 bahay-kalakal na ari ng estado ang structural reorganization. Kabilang dito, ginamit ng 159 na bahay-kalakal ang joint stock system reform program, at ginamit naman ng 16 na bahay-kalakal ang iba pang paraan para tapusin ang structural reorganization.
Ayon sa pagtaya, sa katapusan ng kasalukuyang taon, tatapusin ng 459 na bahay-kalakal ang joint stock system reform. Ito ay katumbas ng 90% ng tungkulin ng pagsasagawa ng mga bahay-kalakal na ari ng estado ng nasabing reporma.
Salin: Li Feng