Sa Hanoi, Biyetnam — Sa kanyang pakikipagtagpo sa Punong Ministro ng Biyetnam, ipinahayag kamakalawa ni Eric Sidgwick, bagong namamahalang tauhan ng Asian Development Bank (ADB) sa Biyetnam, na itinaas ng ADB sa 6.5% ang paglaki ng kabuhayan ng Biyetnam sa taong 2015. Tinaya rin niya na posibleng aabot sa 6.6% ang nasabing paglaki.
Ipinalalagay niyang ang pagbilis ng paglaki ng kabuhayang Biyetnames sa 2015 ay salamat sa palagiang matatag na paglaki ng kabuhayan ng bansang ito nitong 3 taong nakalipas, mababang lebel ng inflation rate, mainam na pagkontrol sa badyet, at patuloy na pagdami ng foreign exchange reserve.
Salin: Li Feng