Ayon sa Xinhua News Agency, sinabi ngayong araw ng isang awtorisadong personahe ng Hilagang Korea na mula susunod na Lunes, bibiyahe sa Hilagang Korea si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN).
Kinumpirma nang araw ring iyon ng isang personahe ng UN sa Hilagang Korea na ayaw magpakilala, ang nasabing impormasyon.
Ayon sa tanggapan ng tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, sa mula't mula pa'y ipinahayag ni Ban na upang mapasulong ang diyalogo, katatagan, at kapayapaan sa Korean Peninsula, nakahanda siyang patingkarin ang anumang papel.
Salin: Li Feng