Ayon sa press release na ipinalabas kagabi ng Tanggapan ng Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), wala itong komento sa ulat na may-kinalaman sa gaganaping pagdalaw ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa Hilagang Korea.
Iniulat ng kinauukulang media ng Timog Korea na dadalaw sa Hilagang Korea si Ban, sa kasalukuyang linggo. Ayon sa press release, palagiang sinasabi ni Ban na nakahanda siyang magpatingkad ng anumang papel, upang mapasulong ang diyalogo, katatagan at kapayapaan ng Korean Peninsula. Hanggang sa kasalukuyan, walang komento ang tagapagsalita hinggil sa kung dadalaw o hindi si Ban sa Hilagang Korea sa hinaharap.
Salin: Vera