Sa katatapos na ika-23 Summit ng APEC, ipinalabas kahapon sa Manila, Pilipinas ang "Ika-23 APEC Summit Declaration," at pinagtibay din nito ang pahayag hinggil sa pagbibigay-tulong sa multilateral na sistemang pangkalakalan.
Tinalakay ng mga kalahok, pangunahin na ang hinggil sa kalakalan at kabuhayan ng rehiyon at daigdig, na gaya ng inobasyon ng teknolohiya, pagsasagawa ng reporma sa pamilihang pinansyal, pagbibigay-tulong sa mga katam-tamang laki at maliit na bahay-kalakal para sa kanilang market access, at iba pa.