Kaugnay ng pagkamatay ng tatlong mamamayang Tsino sa hostage taking inccident sa Mali, ipinahayag noong Sabado nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mahigpit na pagkondena sa marahas na insidenteng ito, at pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi.
Hiniling din nila sa mga may kinalamang departamento na palakasin ang gawaing panseguridad sa mga mamamayan at organong Tsino sa ibayong dagat.
Dagdag pa ng mga lider na Tsino, buong lakas na makikipagtulungan ang Tsina sa komunidad ng daigdig, para labanan ang mga marahas na teroristikong aksyon, at pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan ng daigdig.
Salin: Liu Kai