Kinondena noong Sabado ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina ang hostage taking inccident na naganap noong Biyernes sa Mali, isang bansa sa Aprika.
Ipinahayag din ng tagapagsalitang Tsino ang pakikidalamhati sa pagkamatay ng 27 katao, na kinabibilangan ng 3 Tsino, sa insidenteng ito.
Ayon sa may kinalamang ulat, pagkaraang maganap ang naturang insidente, ipinatalastas ni Pangulong Ibrahim Boubacar Keita ng Mali ang 10-araw na state of emergency sa buong bansa. Inialok din ng pamahalaan ng Mali ang 3 pambansang araw ng pagluluksa sa mga nasawi.
Salin: Liu Kai