Inilabas kaninang umaga sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang Magkasanib na Pahayag ng mga lider ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Dumalo sa seremonya ng paglalabas ang mga lider ng sampung bansang ASEAN, Tsina, Timog Korea, Hapon, Australia, New Zealand, at India.
Ayon sa naturang pahayag, ang RCEP ay naglalayong pabuthin ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyong ito, at pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon.
Bukod dito, pabibilisin ng mga may kinalamang bansa ang talastasan para matapos ang talastasan hinggil sa RCEP.
Ang nasabing talastasan ay sinimulan noong Mayo ng taong 2013 para marating ang kasunduan ng malayang kalakalan na makabago, komprehensibo, de-kalidad at may mutuwal na kapakinabangan.