Sa kanyang pakikipagtagpo noong ika-21 ng Nobyembre sa Kuala Lumpur kay Punong Ministro Thongsing Thammavong ng Laos, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Lao. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palalimin ang pagdadalawan sa mataas na antas, at palakasin ang estratehikong pagkokoordinahan at pagkakaisa ng dalawang bansa, para magkasamang mapasulong ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Tinukoy ng Premyer Tsino na sa kasalukuyan, walang humpay na nagtatamo ang kooperasyong Sino-Lao ng mga bunga. Umaasa aniya siyang ibayo pang magsisikap ang dalawang panig para mapasulong ang kanilang kooperasyon sa mga konstruksyon ng imprastrutura na gaya ng sona ng kooperasyong pangkabuhayan, expressway, at daam-bakal.
Ipinahayag naman ng panig Lao ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Laos sa mahabang panahon. Aniya, sa panahon ng panunungkulan ng Laos bilang bansang tagapangulo ng ASEAN, aktibong pasusulungin ng Laos ang pagpapalitan at pagtutulungang ASEAN-Sino sa mga larangang kinabibilanggan ng konektibidad, kabuhayan at kalakalan, kultura , at iba pa.