Sa hinaharap, ang pagpapalit ng isang overpass ay baka maging kasingdali tulad ng pag-DIY ng isang muwebles na bumili kayo mula sa IKEA.
Sinimulang i-refurbish ang Sanyuan Bridge o Sanyuanqiao ng Beijing noong alas-23 ng Ika-23 ng Nobyembre at tinapos ang kabuuang proseso ng rekonstruksyon sa loob ng 43 oras.
Ayon sa balita, isang mahigit 1300 toneladang bagong surfacing ang inihatid sa construction site para palitan ang dating surface ng tulay. At kung gamitin ang konbensyonal na paraan, mangangailangan ito ng di-kukulanging 2 buwan.
Ang Sanyuan Bridge ay pangunahing overpass sa gawing hilagang silangang bahagi ng Beijing, at nag-uugnay ito ng Airport Expressway, National Highway at 3rd Ring Road.