Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong paliparan ng Beijing, pasok sa 7 wonders of the world near completion

(GMT+08:00) 2015-11-10 17:44:29       CRI

Mula Tsina hanggang mga bansang Islamiko at 3 isla sa Britanya, patuloy na pina-uunlad ng mga inhinyero at arkitekto ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng mga pambihirang arkitektura.

Kamakailan, pinili ng pahayagang Guardain ng Britanya ang bagong Seven Wonders of the world sa hinaharap.

Ayon sa Guardian, ang Beijing Daxing International Airport ay isa sa mga "seven wonders of the modern world near completion." Ito ang magiging pinakamalaking paliparan sa buong daigdig sa hinaharap.

Ang Kingdom Tower naman sa Jeddah, Saudi Arabia ang nasa ika-2 puwesto. Kapag ito'y natapos, aabot sa 1,401 metro ang taas nito at magiging pinakamataas na gusali sa buong daigdig.

Ang tulay naman mag-uugnay sa Hong Kong, mainland ng Tsina, at Macao ay nasa ika-3 puwesto. Ang tulay na ito ay magpapalakas ng muling pag-uugnayan ng HK, Macao at mainland ng Tsina sa isa't isa. Kapag nakumpleto ang 50 kilometrong habang tulay na ito, ito ay magiging pinakamahabang tulay sa buong daigdig.

Pang-apat ay ang Chernobyl reactor, Ukraine: Pagkaraang maganap ang aksidente sa Chernobyl reactor, agaran itong isinara. Ngayon, itinatatag ang isang bagong protector cover sa labas ng buong power plant upang mapababa ang lebel ng radiation.

Pang-lima ay ang Hotel Abraj Kudai, Mecca: Bawat taon, mga 2 milyong Muslim mula sa iba't ibang dako ng daigdig ang nagpupunta sa Mecca at para lutasin ang accommodation problem nila, itinatatag ang napakalaking hotel na binubuo ang 12 gusali, 70 restaurant, na puwedeng magkaloob ng mahigit 10 libong silid.

Ika-anim ay ang Crossrail, London: Para maigarantiya ang normal na pagtakbo ng nasabing lunsod na may 8 milyong tao, itinatatag ang isang bagong underground transport system, na mag-uugnay sa Heathrow Airport sa gawing silangan ng London papunta sa gawing gitnang kanluran ng bansa.

Pampito ay ang FFR Grand Stade, Paris: Ayon sa The Guardian: "It's one of a generation of stadiums that are moving towards a statelier, civic appearance." Sa ilalim ng bubong, mayroon itong dambuhalang retractable roof apparatus na maaring mag-convert sa buong stadium bilang napakalaking lugar kung saan puwdeng ganapin ang iba't ibang aktibidad.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>