|
||||||||
|
||
LUMALAGO ang bentahan ng mga sasakyan sa Pilipinas noong nakalipas na Oktubre. Tumaas ito ng may 29% kung ihahambing sa benta noong Oktubre ng 2014.
Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc., umabot sa 28,667 na sasakyan ang nabili noong nakalipas na buwan at mas mataas sa 22,278 na nabili noong Oktubre 2014.
Tumaas ang benta ng CAMPI at Truck Manufacturers Association noong Oktubre kung ihahambing sa pinagsanib na bilang ng mga sasakyang binili ng mga Filipi o na umabot sa 27,045.
Mula Enero 2015 hanggang ika-31 ng Oktubre 2015, umabot sa 234,951 units ang nabili at mas mataas ng 22.4% kaysa 192,005 units na naipagbili noong 2014.
Pampasaherong kotse pa rin ang nanguna sa bentang 11,235 units. Dahil sa mga bagong modelo at marketing strategies kaya higit na lumago ang bentahan. Ang commercial vehicles ay tumaas din sa pagkakaroon ng paglagong 31%.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, mas maraming mga mamamayan ang nakakabili ng sasakyan sa magandang pagpapautang at mga bagong modelo kaya't mas maraming bumibili ng mga kotse.
Toyota Motor Philippines pa rin ang nanguna sa pagkakaroon ng 43.28% ng pamilihan. Sumunod ang Mitsubishi na nagkaroon ng 19.07%. Pangatlo ang Ford Motor na mayroong 8.33% samantalang pang-apat ang Isuzu Philippines na mayroong 7.8% at panglima ang Honda Cars Philippines, ang nagkaroon ng 6.83%.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |