Ayon sa ulat kahapon mula sa Liuzhou, lunsod sa timog kanlurang Tsina, at isa sa mga baseng nagpoprodyus ng sasakyan ng bansa, idaraos dito ang ika-5 China ASEAN Automobiles, Construction Equipments, Components, and Parts Exposition, sa dalawang okasyon na ika-16 hanggang ika-21 ng Setyembre at ika-21 hanggang ika-23 ng Oktubre.
Ayon sa tagapag-organisa, hanggang sa kasalukuyan, tiniyak ng mga bahay-kalakal ng sasakyan ng ilang bansang ASEAN na kinabibilangan ng Indonesya, Thailand, Malaysia, at Laos ang paglahok sa ekspong ito.
Salin: Liu Kai