|
||||||||
|
||
Sinabi noong Miyerkules ni Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya, na ang aksyon ng Turkey ay krimen. Ito rin aniya ay proteksyon sa Islamic State.
Ipinahayag naman ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, na walang balak ang Rusya na simulan ang digmaan laban sa Turkey dahil sa pangyayaring ito. Pero aniya, muling pag-aaralan ng Rusya ang relasyon ng dalawang bansa, at muling tatasahin ang mga kasunduan sa kasalukuyang pamahalaan ng Turkey.
Tinukoy naman ni Presidential Press Secretary Dmitry Peskov ng Rusya, na kumikilos ang mga terorista at armadong tauhan malapit sa hanggahan ng Turkey, kaya hindi posibleng lumayo doon ang operasyon kontra-terorismo ng Rusya.
Samantala, sinabi noong Miyerkules ni Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, na ang pagpapabagsak ng kanyang bansa sa eroplanong pandigma ng Rusya ay para lamang sa pangangalaga sa sariling kaligtasan. Ayaw aniya ng Turkey ang tensyon o krisis.
Pinaninindigan naman ni Punong Ministro Ahmet Davutoglu ng Turkey, na ang aksyon ng kanyang bansa ay isang kinakailangang hakbangin para igarantiya ang katiwasayan sa purok-hanggahan. Umaasa aniya ang Turkey, kasama ng Rusya, na buong seryosong pakikitunguhan ang pangyayaring ito, para iwasan ang paglala ng tensyon.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |