Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, dumating ng Paris para sa UN Climate Change Conference

(GMT+08:00) 2015-11-30 09:02:01       CRI
Dumating noong gabi ng Linggo (Manila/Beijing time) ng Paris, Pransya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng United Nations Climate Change Conference.

Ang Ika-21 Taunang Conference of the Parties (COP21) ng 1992 United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), ay idinaraos mula ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-11 ng Disyembre.

Dumating si Pangulong Xi (kaliwa)sa Paris, kasama ng kanyang kabiyak na si Peng Liyuan para sa COP21.

Responsibilidad ng Tsina sa Pagbabago ng Klima

Kaugnay ng responsibilidad ng Tsina bilang tugon sa pagbabago ng klima ng daigdig, sa press briefing bago magtungo si Pangulong Xi sa Paris, sinabi ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na naisumite na ng Tsina ang sarili nitong "Intended Nationally Determined Contribution" (INDC), kasama ng iba pang mahigit 150 miyembro ng UNFCCC. Batay rito, sa 2030, mababawasan ng Tsina ng 60-65% ang dioxide emissions per unit ng gross domestic product (GDP) ng bansa kumpara sa emisyon noong 2005.

Sa babalangkasing Pambansang Panlimahang Taong Plano(2016-2020), nakahanda rin aniya ang Tsina na pasulungin ang mas sustenable at balanseng pag-unlad ng kabuhayan na nagtatampok sa low-carbon, green energy at pagtitipid sa enerhiya.

Kasabay nito, ipinatalastas din ng Tsina ang pagtatatag ng 20-bilyong-yuan na South-South Cooperation Fund para tulungan ang iba pang mga umuunlad na bansa sa pagtugon sa pagbabago ng klima.

Nagkakaibang Responsibilidad sa Pagitan ng mga Umuunlad na Bansa at Maunlad na Bansa

Sinabi pa ni Liu na tulad ng inilahad ni Pangulong Xi Jinping sa panayam sa Reuters nitong nagdaang Oktubre, bilang hamong pandaigdig, ang pagtugon sa pagbabago ng klima ay nangangailangan ng magkakasamang pagpupursige ng iba't ibang bansa. Samantala, dahil sa nagkakaibang kasaysayan, lebel ng pag-unlad at kakayahan, kailangan ding may nagkakaibang responsibilidad sa pagharap sa pagbabago ng klima ang mga umuunlad na bansa at mga maunlad na bansa.

Sa nasabing panayam, ipinahayag din ni Xi ang pag-asang mararating ng mga kalahok ang napapanahon, komprehensibo at balanseng kasunduan sa pagbabago ng klima sa Paris Conference.

Biyahe sa Aprika

Makaraang lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng COP21, magtutungo si Pangulong Xi sa Zimbabwe para magsagawa ng opisyal na pagdalaw mula ika-1 hanggang ika-2 ng Disyembre. Pagkatapos, dadalaw rin si Xi sa Timog Aprika mula ika-2 hanggang ika-5 ng Disyembre. Mangungulo rin siya sa Forum on China-Africa Cooperation sa Johannesburg, siyudad ng nasabing bansang Aprikano.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>