Sinabi kahapon ni James Comey, Puno ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika, na ang pamamaril sa San Bernardino ay ini-iimbestigahan ngayon bilang teroristikong aksyon.
Ayon sa FBI, natuklasan sa bahay ng dalawang napatay na suspek ang dalawang cellphone na sinasadyang sinira. Dahil dito, pinahihinalaan ng FBI na ang pamamaril ay isang pinaplanong aksyon.
Pero, aminado rin si Comey, na hanggang sa kasalukuyan, wala pang indikasyong nagpapakitang may kaugnayan ang dalawang napatay na suspek sa anumang teroristikong organisasyon.
Salin: Liu Kai