Ayon sa ulat mula sa Vietnam Business Times, ipinahayag kahapon ng panig opisyal ng Biyetnam na nakatanggap ang labor market ng Hapon ng maraming trainees mula sa Biyetnam, at ang Hapon ay nagsisilbing malaking bansang nakakatanggap ng manggagawa mula sa nasabing bansa.
Ayon sa ulat, noong isang taon, umabot sa halos 20 libo ang bilang ng mga Vietnames trainees sa Hapon. Ito ay mas malaki ng isang ulit kumpara sa taong 2013. Mula noong Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon, halos 22 libong Vietnames trainees ay pumunta sa Hapon.
Salin: Li Feng