Ginanap sa Hong Kong kahapon ang "2015 Asia Cultural Cooperation Forum." Ang tema ng nasabing porum ay "Walang Hanggang Pagkatig na Panlipunan, at Walang Limitasyong Pag-unlad na Pangkultura." Dumalo sa porum ang mga ministro ng kultura mula sa mga bansa at rehiyong Asyano na gaya ng Tsina, Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, Singapore, Thailand, Biyetnam, India, Hapon, at Timog Korea. Nagpalitan ng kuru-kuro at karanasan ang mga kalahok tungkol sa mga patakaran at hakbangin para sa pagpapasulong ng kultura.
Salin: Li Feng