Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, lumahok sa Ika-7 International Culture Festival sa Beijing

(GMT+08:00) 2015-11-09 13:22:51       CRI

Sa kauna-unahang pagkakataon, lumahok ang Pilipinas sa Ika-7 International Culture Festival na idinaos kamakailan sa kampus ng Tsinghua University sa Beijing.

Sa suporta ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing at pangunguna ng Pilipinong estudyante na si Princess Grace Villegas Lam, naitayo ang cultural exhibit booth ng Pilipinas, kung saan, ipinakita sa mga mag-aaral na Tsino at mga dayuhan ang mga tradisyonal na kasuotan, laro, at sayaw ng Pilipinas: itinuro rin sa mga dumalo sa booth ang wikang Filipino.

Bukod diyan, nagkaroon ng pagpapatikim ng mga tradisyonal na pagkaing Pilipino, na gaya ng sinigang, adobo, pansit canton, sinangag, polvoron, at dried mangoes.


Mga kalahok sa Ika-7 International Culture Festival


Mga estudyanteng nakapila na gustong tumikim ng mga pagkaing Pinoy

Ayon kay Lam, nagtulung-tulong ang mga Pilipinong mag-aaral mula sa Beijing Language and Culture University (BLCU), Peking University (BeiDa), Tsinghua University at iba pang kaibigang Pilipino upang ihanda at iluto ang mga ipinatikim na pagkain.


Princess Grace Lam habang isinisilbi ang mga pagkaing Pinoy

Princess Grace Lam


Michael Lao Ban Teng, Princess Grace Lam, Karl Tan-Afuan

Dagdag pa niya, mayroon ding mga kaibigan na nagdala pa ng polvoron at dried mangoes mula sa Pilipinas para sa event na ito.

"Napakaganda ang naging pagtanggap ng mga estudyanteng Tsino at dayuhan sa Philippine Culture; maraming tao rin ang bumalik-balik sa booth ng Pilipinas dahil sa dried mangoes, dahil gustung-gusto nila ito," ani Lam.

Aniya pa, marami sa mga dayuhang pumasyal sa Philippine booth ang nagsabing "Philippines is the best country that I have ever been to."

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ni Lam sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing sa kanilang suporta at tulong.

Lahat ng mga materyal na ineksibit sa Philippine booth, na gaya ng table runner, watawat, at marami pang ibang dekorasyon ay galing sa Embahada ng Pilipinas.

Ayon kay Lam, sinabi ng isang opisyal ng Embahada ng Pilipinas na kapag mayroon siyang iba pang aktibidad, huwag siyang mag-atubiling humingi ng suporta.

Bukod sa Pilipinas, marami ring ibang international student ang nagtayo ng cultural booth para sa kanilang bansa. Ilan sa mga ito ay Singapore, T. Korea, Hapon, Pakistan, at marami pang iba.

Ang Ika-7 International Culture Festival ay itinataguyod taun-taon ng Association of International Cultural Exchange (AICE) ng Tsinghua University.

Layon nitong palakasin ang pagkakaibigan ng mga international student ng nasabing unibersidad at palalimin ang pakaka-unawa ng lahat ng mag-aaral sa kultura ng bawat bansa.

/end//

Reporter: Rhio

Editor: Jade

Photo Credit: Tsinghua University students

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>