Ayon sa Xinhua News Agency, sinabi kahapon ng National Reform Steering Assembly (NRSA) ng Thailand na binalangkas na nito ang isang pangmatagalang plano ng reporma ng bansa. Kabilang dito, itataas sa 15 libong dolyares ang national income per capita ng bansa hanggang taong 2032.
Sa isang preskon, sinabi ni Thinapan Nakata, Tagapangulo ng NRSA, na mula ika-21 hanggang ika-22 ng kasalukuyang buwan, idaraos ng NRSA ang sesyong plenaryo para detalyadong talakayin ang tungkol sa nasabing plano. Ang planong ito ay sumasaklaw sa 11 larangang may kinalaman sa pulitika, kabuhayan, edukasyon, di-pagkakapantay-pantay ng lipunan, at iba pang isyu.
Salin: Li Feng