Ayon sa ulat ng Thai media kamakailan, ipinagpaliban na sa huling dako ng susunod na buwan ang pagsasapubliko ng ulat ng rekord ng gabinete ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand nitong isang taong nakalipas. Dahilan nito'y idaraos ang maraming mahalagang aktibidad mula huling dako ng Nobyembre hanggang unang dako ng Disyembre. Ayon sa dating plano, isasapubliko ang nasabing ulat sa huling dako ng kasalukuyang buwan.
Tinukoy ng pangalawang tagapagsalita ng Konseho ng Estado ng Thailand na tumaas sa ilang digri ang kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa Pamahalaang Thai. Kinumpirma aniya ng komunidad ng daigdig ang layunin ng Pamahalaan ni Prayuth Chan-ocha sa pagpapanumbalik ng seguridad at katatagan ng bansa.
Salin: Li Feng