Binubuksan ngayong araw, Miyerkules, Disyambre 16, 2015, ang Ika-2 World Internet Conference (WIC) sa Bayan ng Wuzhen, Lalawigang Zhejiang ng Tsina. Ang pulong ay tatagal hanggang ika-18 ng buwang ito.
Ang Wuzhen ay ang permanenteng venue ng WIC, sapul nang unang idaos ito noong 2014.
Ito ay isang magandang water town sa timog ng Yangtze River, at representative ng mga sinaunang bayan sa dakong Timog Silangan ng Tsina.
May mahigit 6,000 taong kasaysayan, ang Wuzhen ay isa sa anim na pinakamagandang sinaunang bayan sa timog ng Yangtze River, at isa sa 20 pinaka-popular na lugar panturista sa "Golden Week Holidays" ng Tsina.
Salin:wle