Idaraos mula ika-16 hanggang ika-18 ng buwang ito sa Wuzhen, lunsod sa silangang Tsina, ang Ika-2 World Internet Conference.
Isinalaysay ngayong araw sa isang preskon ni Lu Wei, Puno ng Cyberspace Administration ng Tsina, na dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng pulong na ito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at bibigkas ng keynote speech.
Ayon pa rin kay Lu, ang tema ng naturang pulong ay "An Interconnected World Shared and Governed by All--Building a Community of Common Future in Cyberspace." Ito aniya ay nagpapakitang kailangang magkakasamang harapin ng lahat ang mga isyu at hamon sa cyberspace.
Salin: Liu Kai