Ayon sa China News Service, sa kanyang mensaheng pambati sa Pasko sa Kuala Lumpur, ipinahayag noong Huwebes, Disyembre 24, 2015, ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na batay sa pederal na konstitusyon, pangangalagaan ng kanyang bansa ang karapatan ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad sa kalayaan ng relihiyon.
Tinukoy ni Najib na puwedeng makipamuhayan nang maharmoniya at mapayapa ang lahat ng nasyonalidad ng Malaysia. Dapat aniya itong mahalin ng lahat ng mga mamamayang Malay.
Sa kanya namang mensaheng pambati sa Pasko, nanawagan si Liow Tiong Lai, Puno ng Malaysian Chinese Association (MCA), sa mga mamamayan ng buong bansa na magkakasamang magsikap para maitatag ang isang nagkakaisa at maharmoniyang malaking pamilya.
Salin: Li Feng