|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Kuala Lumpur ni Hishammuddin Hussein, Ministrong Pandepensa ng Malaysia na sumapi na ang kanyang bansa sa "Liga ng 34 Bansa" na pinamumunuan ng Saudi Arabia, para magkasamang labanan ang terorismo.
Sinabi niya na bilang kinatawan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), dadalaw siya sa Saudi Arabia sa susunod na buwan, at tatalakayin, kasama ng ibang miyembro ng nasabing liga ang mga katugong isyu, para sa pakikibaka laban sa terorismo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |