Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag noong Huwebes, Disyembre 24, 2015 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na komprehensibong pauunlarin ng Rusya at India ang estratehikong partnership, na kinabibilangan ng pagsasagawa ng kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pulitika, at kabuhayan.
Kaugnay ng biyahe ni Punong Ministro Narendra Modi ng India sa Rusya, ipinahayag ni Putin na sa kasalukuyang masalimuot na kalagayang pangkabuhayan, napapanahon ang nasabing biyahe ni Modi.
Ipinahayag naman ni Modi na pasusulungin ng kanyang biyahe ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Dumating ng Moscow noong Miyerkules, Disyembre 23, 2015, ang Punong Ministro ng India para pasimulan ang kanyang dalawang (2) na biyahe sa Rusya.
Salin: Li Feng