Inilunsad kaninang madaling araw, Martes, ika-29 ng Disyembre ng Tsina ang Gaofen-4, pinakamaunlad na observation satellite ng bansa.
Ang satellite na ito ay bahagi ng high-definition earth observation project ng Tsina, at nakatakda itong tumakbo sa loob ng 8 taon.
Samantala, ang Gaofen-4 satellite ay huling satellite na inilunsad ng Tsina sa taong 2015. Sa loob ng taong ito, isinagawa ng Tsina ang 19 na misyon ng paglulunsad, at matagumpay na nailunsad ang 45 spacecraft ng Tsina at ibang bansa.
Salin: Liu Kai