Noong ika-22 ng Nobyembre, 2015, lumagda sa Kuala Lumpur ang mga lider ng sampung (10) bansang ASEAN sa magkakasanib na deklarasyon kung saan ipinatalastas nilang mula Disyembre 31, 2015, pormal na itatatag ang komunidad ng ASEAN na may pangunahing bahaging gaya ng kabuhayan, seguridad ng pulitika, at kultura at lipunan. Ang pagtatatag ng naturang komunidad ay isang pangyayaring historikal sa proseso ng integrasyon ng ASEAN. Ito ay isang palatandaang sapul nang itatag ang ASEAN noong 1967, natamo ng proseso ng integrasyon ng ASEAN ang yugtong progreso, bagay na nakapaglatag ng mas matibay na pundasyon para sa pag-unlad nito sa kinabukasan.
Sa seremonya ng paglalagda, sinabi ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na ang pagtatatag ng komunidad ng ASEAN ay nagpapakitang sa proseso ng pagpapasulong ng integrasyon, nakaabot ang ASEAN sa isang bagong antas. Ipinalalagay ni Wei Ling, Puno ng Instituto ng Pananaliksik sa Asya ng China Foreign Affairs University, na para sa labas, bilang isang pamantayan sa kooperasyong panrehiyon, ang status ng porma ng ASEAN ay ibayo pang natiyak. Aniya pa, para sa buong rehiyon, ang lahat ng mga may-kinalamang bansa, malalaking bansa sa rehiyon at buong daigdig, ay pawang nakikilahok sa proseso ng rehiyon na ang ASEAN ay sentro.
Salin: Li Feng