Jakarta, Indonesya——Maringal na resepsyonang ang idinaos kamakailan bilang pagdiriwang sa pagkakatatag ng Komunidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Itinangkilik ito ng Sekretaryat ng ASEAN at Ministring Panlabas ng Indonesya.
Dumalo at nagtalumpati sina Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN at Abdurrahman Mohammed Fachir, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Indonesya. Lumahok din dito si Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN.
Ipinahayag ni Le Luong Minh na ang pagkakatatag ng Komunidad ng ASEAN ay makakabuti sa pangunguna ng ASEAN para mapasulong ang katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Ibayo pang pabubutihin ng Sekretaryat ng ASEAN ang mekanismo at kakayahan nito para aktibong kaharapin ang iba't ibang hamon, at patuloy na pasulungin ang proseso ng integrasyon ng ASEAN, aniya pa.
Ipinahayag naman ni Fachir na dapat puspusang magsikap ang iba't ibang kasaping bansa ng ASEAN para ito'y maging outstanding na rehiyonal na organisasyon.
salin:wle